Una sa lahat, isusulat ko ang buo post na ito sa Tagalog para mas maintindihan ng mga Pilipino ang nilalaman nito at para di maintindihan ng taga-ibang bansa ang nilalaman nito unless kung meron silang translator na Pinoy, o merong silang program na naga translate ng mga mensahe. Magsisimula ako sa ginawa ko bago manuod ng SONA.
Nasa paaralan ako sa pagitan ng 11:30-12:00nn, naghahanda sa anti-SONA rally sa public plaza dito sa lungsod ng Bacolod. Di pinilit sa akin na sumama, ako mismo ang pumunta sa rally kasama ng mga kakaklase ko at mga guro ko. In short, wala kaming klase. Excuse kung baga.
Sumakay kami sa school bus papuntang lagoon kung saan magsisimula ang lakad namin papuntang public plaza. Una sa lahat, di ako naglunch. Nagwater therapy ako. Mabuti, na kumbinsi ko ang kakaklase ko na ilibre ako ng ice cream, pampatawid ng gutom. Pagpatak ng 1pm, nagsimulana na ang martsa papunta sa public plaza.
Mahaba, at minsan, nakakabagot ang paglalakad namin. Para mawala ang bagot, ilan sa amin ay naguusap, ilan gumagawa ng iba't-ibang paraan, basta matangal ang pagkabagod. Ang ginawa ko? Tumingin sa tabi-tabi. Nakita ko, bus ng Iglesia ni Cristo, mga tindahan lalo na ang isang carinderia na may pangalan ni Gloria. Biro ng kaibigan ko, dumugin namin yun at doon magprotesta. Sa haba ng paglalakad ay nakarating kami ng plaza. Nung tinawag na ang paaralan namin, pasok kami sa gitna ng stage. Wow. dun ko napansin na madaming galit sa "mahal" nating pang-gulo este pangulo. Napansin ko din na madami palang schools na sumama sa rally, kaya di nakapagtatatka na nakita ko ang pinsan ko na sa tabi lang ng plaza ang paaralan nya na tabi ng isang kilalang mall na tawag ay SM.
Di ako nakinig sa sunod na sabi ng mga pari. Humanap kami ng pwesto kung saan pwede kami ng mga kaklase ko na pwedeng umupo. kasunod nun, umulan. Pagkatapos ng Pambansang Awit, umuwi na ako. Gusto ko marinig ang sasabihin ng pangulo.
Pagkatapos tumingin sa mga rental VCD's at DVD's sa Video City, lumakad ako papuntang paradahan ng jeep. Muntik na ako masagasaan ng motorsiklo, buti, nagalusan lang ako. Pagbalik sa bahay, binuksan ko ang TV. Kambal sa Uma pa ang palabas. Naghintay ako. Sa wakas, SONA na.
Pagkatapos ng pagdasal nila para kay Pres. Cory, nakatulog ako. Hula ko, nasa state na ng katawan ko na kung saan, kung magsisimula na magnarrate ng kwento si PGMA, iiidlip na ako. Nagising na ako, natapos na ang pagyayabang nya. sa wakas, nasa parte na kung saan na magsasalita na ang pangulo sa plano nya.
Naging unang reaksyon ko nung sinabi nya na di na siya maging presidente sa 2010, sa wakas, tuloy ang eleksyon. Di nasayang ang pagod ng COMELEC sa automation, ABS-CBN sa Ako ang Simula campaigns nila, ang GMA sa paggawa ng isang malaking partnership sa iba't-ibang kumpanya, ang mga politiko na nagsisimula na ng kanilang "secret" campaigns at higit sa lahat, di nasayang ang magiging boto ng mga first-time voters sa 2010.
Ngunit, may malaking tanong pa rin ang naiwan ng SONA. Ano si PGMA lagpas 2010? Eto ang naging teorya ko.
a. Tatakbo siya sa congresso.
b. Haharap siya sa maraming kaso.
c. Maging isang kritiko sa susunod na pangulo.
d. Isang regular housewife na busy sa pagkanta sa Magic Sing o sapagsasayaw ng ballroom o busy sa panunuod ng Wowowee.
Di natin alam kung ano ang mangyayari pagkatapos bumaba siya bilang pangulo o pang-gulo ng bansa. Ang masasabi ko lang, abangan na lang natin ang sunod na kabanata.